^

Metro

Higit 3K pulis, ikinalat sa Batasang Pambansa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit 3K pulis, ikinalat sa Batasang Pambansa
Members of Congress begin canvassing votes for president and for vice president on May 24, 2022.
Philstar.com / Xave Gregorio

Sa pagsisimula ng canvassing ng kongreso

MANILA, Philippines — Todo-bantay ang mga pulis sa paligid ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, kasunod na rin nang pagsisimula na ng canvassing ng mga boto para sa May 9 presidential at vice presidential race kahapon.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Spokesperson PMaj. Wennie Ann Cale, nasa 3,086 mga pulis ang ipinakalat upang magbantay sa paligid ng Batasang Pambansa.

Sa nasabing bilang, nabatid na 2,155 ay mula sa QCPD  habang ang iba pa ay mula naman sa iba pang distrito ng pulisya.

Sinabi ni Cale na isinara rin sa daloy ng trapiko ang IBP Road bilang bahagi ng security measures.

Maaari naman aniyang dumaan ang mga motorista sa Litex Road para sa alternatibong ruta.

May mga pulis ding itina­laga sa mga istratehikong lugar sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para bantayan ang mga nagpaplanong magsagawa ng kilos protesta doon.

Pinayuhan naman ng Philippine National Police (PNP) ang mga grupong nais magsagawa ng rally habang isinasagawa ang congressional canvassing ng mga boto, na kumuha muna ng permits mula sa local government unit (LGU), maging sa mga pulis.

Ayon kay PNP Directorate for Operations head PMGEN Valeriano de Leon, bagamat ipinatutupad nila ang maximum tolerance, ay hindi sila mangingiming gamitin ang batas kung ang mga demonstrador na magiging marahas.

CANVASSING

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with