PM Vargas handa na sa Kongreso

Kahit may death threat

MANILA, Philippines — Bagama’t nakatanggap ng death threat ilang araw lang ang nakaraan, sinabi ni Konsehal PM Vargas na handa na siyang harapin ang mga ha­mon ng kongreso at kumpyan­sa siya na ang kanyang naging karanasan sa Konseho ng Quezon City ang isa sa mga rason para dito.

Sinabi ni Vargas na pagtutuunan niya ng pansin ang pagpapalakas sa mga LGU upang matugunan nito ang mga pangangaila­ngan ng mga mamamayan. Magsusulong din siya ng mga batas na magpapataas ng sweldo ng mga health workers at pagtaas ng antas at lakas ng serbis­yo ng mga pang publikong ospital. “Kaila­ngan tayo magpokus sa pandemic recovery at mabigyan ng kaukulang armas ang ating mga frontliners upang maka- ahon tayo ng sabay sabay! So importante sa akin ang pandemic preparedness, health services, job generation and social services!”

Chief of Staff na rin si PM Vargas sa opisina ng kanyang mas nakatatandang kapatid na si Rep. Alfred Vargas na patapos na ang ikatlong termino. Kaya naman alam na ng Konsehal ang mga regulasyon ukol sa paglikha at pagpasa ng mga batas.

Sa napipintong pag­pasok ni Vargas sa Kongreso, handa etong makilahok sa mga usa­pan sa mga komite niyang magiging assignments.

Show comments