^

Metro

Indigent senior citizen, solo parents at PWD, may buwanang ayuda sa Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatanggap ng P500 kada buwan ang mga qualified indigent senior citizens, solo parents at PWDs ng Quezon City bilang financial assistance mula sa lokal na pamahalaan sa loob ng isang taon.

Ito ay makaraang lagdaan at aprubahan ni QC Mayor Joy Belmonte ang Ordinance No. SP-3115, S-2022 na tutulong sa mga gastusin ng mga nabanggit.

“Isa itong paraan para mapagaan ang epekto ng pandemya at pagtaas ng presyo ng bilihin, lalo na sa mga senior citizens, solo parents at PWDs. Malaki ang maitutulong nito para sa kanilang araw-araw na gastusin sa pagkain, gamot at iba pang pangangailangan,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Pinapurihan din niya si Vice Mayor Gian Sotto at ang konseho sa pagpasa sa naturang ordinansa na nagbebenepisyo sa mga  indigent senior citizens, solo parents at persons with disabilities na hindi pa nakakatanggap ng benepisyo mula sa alinmang  regular government financial assistance  tulad ng  social pension, cash transfer program at iba pa.

Isa lamang beneficiary kadabahay ang maaaring makakuha ng financial assistance.

PWD

SENIOR CITIZEN

SOLO PARENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with