^

Metro

Quimbo, nangunguna sa Marikina

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kulang tatlong linggo bago ang halalan sa Mayo 9, hindi natitinag si Marikina Rep. Stella Alabastro-Quimbo na nangungunang kandidato bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng lungsod na lamang na lamang sa kanyang mga katunggali.

Ayon sa pinakabagong survey ng Philippine Survey and Research Center (PSRC) na isinagawa mula Marso 25 hanggang Abril 4, 2022, napanatili ni Quimbo, na kilala bilang “Teacher Stella” sa kanyang distrito, ang kalamangan sa lahat ng pitong barangay at mga grupong demograpiko kung saan 81% ng respondents ang nagsabi na iboboto nila siya kung naganap ang eleksiyon sa panahong ginawa ang survey.

Samantala ang kanyang mga kalaban sa puwesto ay sina Del de Guzman (11%) at Mauro Arce (4%) habang 4% undecided at walang abstention.

Ang bagong survey ay tumutugma sa mga naunang isinagawa ng PSRC kung saan numero uno si Quimbo para sa mga respondent ng Barangays Concepcion Uno, Tumana, Nangka, Parang, Fortune, Marikina Heights, at Concepcion Dos.

Mula nang mahalal noong 2019, nakapaghain si Quimbo ng mahigit 300 panukala, kabilang ang Accelerated Recovery and Investment Stimulus for the Economy (ARISE) at Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) na dahilan upang palayawan siyang “Ayuda Queen.”

PSRC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with