MANILA, Philippines — Iniulat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mahigit 1,000 bilanggo sa Manila City Jail ang dinapuan ng pulmonary tuberculosis.
Tiniyak naman ni BJMP National Capital Region (NCR) spokesperson Midzfar Omar na ang mga naturang preso ay kasalukuyan nang naka-isolate at nilalapatan ng lunas.
Mayroon pa umanong nasa 200 pang bilanggo ang naghihintay ng resulta ng kanilang confirmatory tests.
Nabatid na mayroong 5,000 PDLs sa male dormitory ng MCJ.
Una nang iniulat ng BJMP-NCR na mahigit 100 PDLs ng Pasay City Jail ang naka-isolate dahil hinihinalang dinapuan ng pulmonary TB.