^

Metro

16-anyos estudyante kinursunada, dedo sa saksak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 16-anyos na binatilyo ang nasawi makaraang saksakin ng isang grupo ng mga kabataang nangursunada sa kanya sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisalba pa ng mga manggagamot sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Raymond Romasanta, estudyante at residente ng Brgy. 75, Tondo sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-7:35 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa panulukan ng Franco at Favia Sts., sa Tondo.

Naglalakad umano ang biktima kasama ang isang kaibigan nang harangin at komprontahin ng grupo rin ng kapwa nilang kabataan. Ilang sandali pa sinaksak na ang biktima.

Nabatid na nadakip na ang tatlo sa mga menor-de-edad na  sangkot sa pangyayari. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

vuukle comment

MARY JOHNSTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with