^

Metro

Obrero kalaboso sa boga

Ludy Bermundo - Pilipino Star Ngayon
Obrero kalaboso sa boga
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Jimili Macaraeg ang suspek na si Lijandro Abdul, 34, residente ng Jolo St., Brgy. Maharlika, Taguig City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Timbog ang isang construction worker na naaktuhan may sukbit na baril nang madaanan ng nagpapatrul­yang mga tauhan ng Taguig Police sa Brgy. Maharlika, Taguig City.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Jimili Macaraeg ang suspek na si Lijandro Abdul, 34, residente ng Jolo St., Brgy. Maharlika, Taguig City.

Sa ulat ng Taguig Motorcycle Patrol Unit (TMPU), dakong alas- 3:15 ng hapon nang sitahin ang suspek habang nakatambay sa nasabing kalye. Nang kapkapan ay nakita sa kanya ang isang kalibre .38 Smith and Wesson na may kargang 2 bala.

Nakapiit sa Taguig Detention Management Unit ang suspek na isinailalim sa inquest proceedings kaugnay sa ilegal na pagdadala ng baril

“Mas pinaigting po natin ating mga anti-criminality ­operations ngayong kapaskuhan upang masigurado ang mapayapang pagdiriwang ngPasko at mapanatili ito hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon , ani Macaraeg.

vuukle comment

CONSTRUCTION WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with