Naka-granular lockdown sa Metro Manila, 1 na lang – PNP
MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na iisang lugar na lamang sa Metro Manila ang naka-granular lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.
Nakasaad sa datos ng PNP na isang residential building na may 22 katao sa Quezon City ang naka-lockdown. Matatandaang umabot sa 200 ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa lockdown dahil sa Delta coronavirus variant.
Nabatid na napilitan ang mga PNP na magpakalat at magtalaga ng mga pulis at force multipliers sa ilang mga area of concerned upang matiyak na nasusunod ang mga health protocols.
Umaasa naman ang PNP na matatanggal na rin sa granular lockdown ang lugar sa mga susunod na araw. Kailangan lamang na tiyakin ang mga pamantayan at regulasyon ng Inter-Agency TaskForce (IATF).
- Latest