Mag-asawa inambus sa Caloocan: Mister patay, misis sugatan

Kinilala ang nasawi na si Penencio Daccuro habang kritikal ang misis nitong si Jenelyn, kapwa residente ng Dalandan, Valenzuela.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister habang sugatan naman ang misis nito nang pagbabarilin sa 5th Avenue sa Grace Park sa Caloocan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Penencio Daccuro habang kritikal ang misis nitong si Jenelyn, kapwa residente ng Dalandan, Valenzuela.

Sa ulat, lulan ng kanilang sasakyan na Toyota Hi-Ace van ang mag-asawa nang paulanan ng bala ng baril ng riding-in-tandem.

Ayon sa report, galing ang mag-asawa sa Divisoria at habang tinatahak ang nabanggit na lugar ay dinikitan ito ng tandem na suspects saka pinagbabaril.

Nasapul si Penencio sa kanang leeg na tumagos naman at nasapul ang asawa nito.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pamamaslang habang isinasagawa pa ang masusing imbestigas­yon sa insidente.

Show comments