^

Metro

Bebot sinita, tinikitan sa maikling short

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Bebot sinita, tinikitan sa maikling short
Isiniwalat ni “Carmina” sa kanyang post sa social media ang sama nang loob nang big­yan siya ng warning sa pamamagitan ng tiket ng isang pulis na sumita sa kanya.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dahil sa pagsusuot ng maikling short kung kaya nasita at tinikitan pa ang isang babae sa Caloocan City.

Isiniwalat ni “Carmina” sa kanyang  post sa social media ang sama nang loob nang big­yan siya ng warning sa pamamagitan ng tiket ng isang pulis na sumita sa kanya.

Lumabag umano si ‘Carmina’ sa City  Ordinance 439 o Caloocan City Dress Code in Public Places na naipasa noon pang 2007.

Unang inakala ni ‘Carmina’ na ang paninita ng pulis ay may kinalaman sa hindi niya pagsusuot ng  facemask, kundi dahil pala sa suot niyang short.

May idedeliber sana  si Carmina’ na order nang maispatan ng pulis at isyuhan ng warning ticket.

Base sa city ordinance na ipinasa noong 2007, nagtakda ng “dress code in public places” ang lungsod, kung saan inaatasan ang publiko na magsuot ng tamang damit sa mga pampublikong lugar.

Kabilang sa probisyon ang pagtatakda sa mga nagtitinda sa palengke na bawal ang nakahubad, at naka-short, sando o sleeveless o sira-sirang da­mit.

Pinaiimbestigahan na ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang insidente.

BEBOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with