Drug den ni-raid: Tanod, 3 pa timbog
MANILA, Philippines — Arestado ang isang barangay tanod na nagpapatakbo ng isang drug den sa Pateros City, kahapon.
Dinakip din ang tatlong iba pa na nadatnan sa target na drug den at nasamsam ang nasa 52.10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?357,000.
Kinilala ni SPD Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang mga nadakip na sina Marvin De Guzman, 44, brgy. tanod na siyang target ng operasyon; Reynaldo Reyes, 52 ; Mark De Guzman, 42 at Renato Tavira, 38.
Sa ulat, nagawang makabili ng nagpanggap na buyer ng shabu sa suspek na si Marvin sa P. Rosales St., Brgy. Sta Ana, Pateros, dakong alas- 4:30 ng hapon ng Huwebes at agad inaresto kasama ang iba pang suspek na pinaniniwalaang mga kasabwat.
Samantala, dakong-alas 10:30 ng umaga nang maaresto naman sina Mary Ann Pascual, 29; Junie Tumonong, 45; Marissa Gatchalian, 48; pawang nasa drug watchlist ng Pasay Police, sa isinagawang buy-bust operation sa Estrella St., Brgy. 14, Zone 1, kung saan nakumpiska ang nasa 3.13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?21,284.00.
Bandang alas- 7:20 ng gabi nang maaresto naman ng Muntinlupa Police-Drug Enforcement Unit sa PNR site Purok 3, Brgy. Bayanan, Muntinlupa City, ang isang Sofronio Cabanting Jr, alyas Kamote, 39, na may hawak na isang medium size na sachet ng shabu.
Ang mga suspek ay isasailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic ct 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest