5,000 pampasabog nadiskubre sa Quezon City, Bulacan
MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 5,000 mga pampasabog at personal effects ang nakuha ng mga tauhan ng Philippine National Police-National Capital Region Office at militar mula sa anim na naaresto sa ginawang pagsalakay sa Quezon City at Bulacan.
Tumanggi muna si Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar na ibunyag ang pangalan ng anim naaresto habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Nakikipag-ugnayan na ang CIDG sa Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil dito.
“Sa ating patuloy na kampanya laban sa loose firearms upang matiyak ang maayos at tahimik na Halalan 2022, nalansag natin ang isang gun-running syndicate sa dala-wang magkasunod na operasyon ng inyong PNP at AFP sa Bulacan at Quezon City,” ani Eleazar.
Nasundan ito ng pagsalakay sa warehouse sa Sta. Maria, Bulacan kung saan nadiskubre ang iba’t ibang matataas ding kalibre ng baril. Nakuha rin sa isa pang operasyon sa Bulacan ang reassembled cal. 5.56 rifle, assorted ammunition, pistols, at mga firearm parts para sa pagbuo ng mga baril.
Giit ni Eleazar, napigilan ng police operation ang posibleng benta-han ng mga baril sa private goons sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa Mindanao.
Pinaiigting pa ni Eleazar sa kanyang mga tauhan ang intelligence gathering upang malaman ang mga posibleng warehouses na ginagamit bilang storage ng mga baril.
Una nang inatasan ni Eleazar ang lahat ng mga police commanders na tiyakin ang seguridad sa kani-kanilang nasasakupan bilang paghahanda sa election sa susunod na taon.
- Latest