^

Metro

Hostage sa Marikina jail: 2 preso patay, 2 nurse sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang preso ang nasawi ,  habang sugatan naman ang dalawang nurse na kapwa jail officers din, nang i-hostage sila ng mga ito sa loob mismo ng infirmary ng Marikina City Jail kagabi.

Hindi pa nakuha ang   mga pangalan ng dalawang napatay na preso dahil hindi pa naglalabas ng opisyal na ulat hinggil dito ang Marikina City Jail.

Samantala, sugatan din naman ang dalawang ‘di pa nakikilalang nurse ng BJMP matapos na barilin din ng mga suspek sa naturang insidente.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro,  pasado alas-5:00 ng hapon nang maganap ang umano’y hostage taking sa loob mismo ng bilangguan.

Sa isang panayam ng PSN, sinabi ni Teodoro na nagtungo ang dalawang suspek sa infirmary ng bilangguan at nagkunwaring magpapa-medical check-up.

Gayunman, nang makapasok ay kaagad na umanong sinunggaban ng mga ito ang baril ng dalawang nurse, na isang babae at isang lalaki, at hinostage sila.

Nagkaroon umano ng negosasyon na inabot ng 50-minuto ngunit sa kasagsagan ng hostage ay binaril umano ng mga suspek sa tiyan ang nurse na lalaki habang binaril din ang nurse na babae sa paa.

Dahil dito, kaagad nang gumanti ng putok ang iba pang jail officers, na nag­resulta sa pagkamatay ng mga suspek.

vuukle comment

PRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with