Sunog sa Valenzuela: Sekyu todas, 1 sugatan
MANILA, Philippines — Patay ang isang security guard, habang sugatan ang isa pa sa sunog na naganap sa isang warehouse at factory, kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.
Nakilala ang nasawi na si Joselito Pelic, sekyu sa natupok na factory na Gilvan Packaging Corporation habang agad namang dinala sa East Avenue Medical Center ang sugatang si Nestor Purtisano, 47, na nagtamo ng 2nd degree burn .
Ayon kay Valenzuela Fire Marshall Supt. Marvin Carbonell naganap ang sunog dakong alas-4:14 ng madaling araw sa warehouse ng Stronghand Inc, na nasa Paso de Blas West Service Road.
Bagama’t kaunti lamang ang stock sa warehouse ng Stronghand, sinabi ni Carbonell na mabilis ang pagkalat ng apoy sa katabing factory na Gilvan Packaging Corporation kung saan nakaimbak ang mga plastic materials na binabantayan ng mga biktima.
Umabot sa 3rd alam ang sunog na naapula dakong alas-6:32 ng umaga. Tinatayang nasa P3 milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog.
- Latest