Dahil sa dumaraming minors na nagkaka-COVID-19
MANILA, Philippines — Nagkaroon ng bed expansion ang Quezon City government sa kanilang HOPE community care facilities para sa dumaraming kabataan ang napapatunayang positibo sa COVID-19, gayundin ang kanilang pamilya o mga guardian.
Ayon kay Dr. Esperanza Arias, head ng City Health Department, nagdagdag ang lokal na pamahalaan ng dagdag na kama, oxygen tanks, at mga gamot para sa lahat ng 11 COVID facilities ng lungsod.
Sinabi pa nito na nagdagdag sila ng family rooms sa lahat ng kanilang HOPE facilities para ma-accommodate ang dagdag na COVID-positive children kasama ang kanilang pamilya na nag- aalaga sa mga ito.
Ayon kay Arias, ang lokal na pamahalaan ay kumakalap ng dagdag na mga tauhan para sa bubuksang tatlong dagdag pa na HOPE facilities.
Sa data ng City Epidemiology and Di-sease Surveillance Unit (CESU), may 9 percent o 318 ng COVID cases na naitala sa pagitan ng August 1 hanggang 7 na pawang kabataan na may edad 17-anyos pababa. May 169 o 5 percent na may edad 0 hanggang 11-anyos , habang 149 o 4 percent mula sa 12 hanggang 17 year age group.
Ang kabuuang bilang ng kaso sa panahong ito ay 293 percent na mas mataas sa 81 na naitalang positibo sa mga kabataan noong July 1 hanggang July 7.
Una nang nagpalabas ng guidelines ang QC government na bawal ang home quarantine para sa mga kumpirmadong COVID-19 cases at symptomatic close-contacts at kailangan ang mga itong mailipat agad sa ospital ng QC o sa HOPE community caring facilities, barangay isolation facilities o sa national government-accredited isolation hotels.