^

Metro

Parak huli sa pangongotong sa police applicant

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Parak huli sa pangongotong sa police applicant
Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang suspek na si S/Sgt. Joel Bunagan, 37. Agad itong isinailalim sa summary dismissal procee­dings.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nalambat ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis na driver ng ambulansiya ng PNP Health Service  na na­ngongotong ng  P100,000 sa isang police applicant sa  ikinasang entrapment operation sa Camarin, Caloocan City.

Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang suspek na si S/Sgt. Joel Bunagan, 37. Agad itong isinailalim sa summary dismissal procee­dings.

Nahuli si Bunagan sa isinagawang  entrapment operation noong Lunes dakong alas- 3 ng hapon sa Waling-Waling Street, Sampaguita Subdivision, Barangay 175, Camarin, Caloocan City,   bunsod ng  reklamo ng isang PNP applicant na hinihingan ng P100,000 ng suspek upang maproseso ng PNP recruitment.

Nakuha  mula sa  suspek ang  ilang tig P1,000 maked money, I-Phone, at Keeway 125 blue and black motorcycle.

Ayon kay  Eleazar pinaiimbestigahan  na niya kung bakit nanatili sa serbisyo ang nasabing pulis. Inaalam na rin sa ngayon kung sino ang mga kasabwat ni Bunagan.

Lumilitaw na  una nang nagkaroon ng kaso  noong Abril 8, 2020 si  Bunagan. Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng isang  PNP applicant ng Barangay Kaligayahan, Novaliches, Quezon City

Pinapangakuan umano ni Bunagan ang mga mga aplikante na may mga problema sa kalusugan ay makakapasa sa medical examination kapalit ng P100,000.00- P150,000 na bayad.

“Sobrang tapang din ng hiya nito na nahuli na dati at nabuko, nakasuhan pa. Pero hindi pa rin tumigil sa kabulastugan,” ani  Eleazar.

Si Bunagan ay kasakuluyang nakakulong sa detention facility ng IMEG sa Camp Crame at nahaharap sa kasong paglabag a RA 11032.

IMEG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with