Cobra, bayawak, iba pa tinangkang ipuslit sa bansa
MANILA, Philippines — Naharang ng Bureau of Customs Port ng NAIA ang 2 makamandag na mga cobra, 8 pit vipers, at 15 mga bayawak na itinago sa mga chime at lanterns na inilaan para i-export sa Taiwan noong Pebrero 18, 2021 sa warehouse ng DHL.
Ang package na idineklarang souvenir item ng isang ‘Adrian Lim’ mula sa Pasig City at na-consign sa isang ‘Ryan Su’ ng Taiwan.
Ang mga reptiles ay itinago sa loob ng mga katutubong pitaka ng mga kawayan at lantern. Maibebenta ang mga ito ng hanggang P300,000 o higit pa.
Ang Port of NAIA ay mananatiling mapagbantay hindi lamang sa pag-iingat ng iligal na droga kundi pati na rin sa iligal na kalakalan ng wildlife.
Noong Marso 2019 at Setyembre 2020, ay pinuri ang Port of NAIA ng Traffic Asia para sa pagkumpiska ng 1,529 na mga pagong sa mga maleta.
Ang mga nasamsam ay inilagak sa panga-ngalaga ng DENR para sa disposisyon, kasama na ang profiling at paghaharap ng kaso laban sa shipper at co-conspirators sa paglabag sa RA 9147 (Wildlife Resour-ces Conservation and Protection) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
- Latest