MANILA, Philippines — Para mapaghandaan ang opisyal na pagbubukas ng Skyway 3 project sa Enero 14 ay kinaila-ngan muna itong isara ng Skyway management sa mga nonpeak hours simula kahapon hanggang sa Enero 13.
Pansamantalang isasara ito mula alas-10 ng gabi hanggang alas- 4 ng madaling araw.
“We are working to make sure that the 18-kilometer north-south stretch of Skyway 3 will be ready for official opening starting January 14,” ayon kay San Miguel Corporation president at chief operating officer Ramon S. Ang.
Patuloy na magiging libre para sa mga motorista ang paggamit sa Skyway 3 project mula sa Buendia, Makati hanggang sa North Luzon Expressway bago ito pansamantalang isinara sa mga nonpeak hours kahapon hanggang Enero 13.
Kabilang sa mga tinatapos ay ang paglalagay ng mga street lamps para matiyak ang kaligtasan ng mga motoristang bumibiyahe ng gabi.
Inisyal na binuksan ng SMC ang apat na linya ng 18-kilometer expressway noong Disyembre 29 kung saan nalibre ang mga motorista sa toll fees sa loob ng isang buwan.