Obrero itinumba ng riding-in-tandem

Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Ernie Tiozon Vivero, construction worker, at residente ng De Gloria Extension, Area-B, Talanay, Brgy. Batasan Hills, Quezon City dahil sa tama ng bala sa mukha at katawan.
PSN/File

MANILA, Philippines — Butas ang mukha ng isang obrero nang mala­pitang barilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Batasan Hills,Quezon City, kamaka­lawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Ernie Tiozon Vivero, construction worker, at residente ng De Gloria Extension, Area-B, Talanay, Brgy. Batasan Hills, Quezon City dahil sa tama ng bala sa mukha at katawan.

Batay sa report ng ­Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-10:20 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa harap ng Edgar LPG store na matatagpuan sa De Gloria Extension, Area-B, Talanay, Brgy. Batasan Hills.

Sa salaysay ng testigo, nakita niya ang dalawang ‘di-kilalang lalaki na sakay ng itim ng Yamaha NMax, nakamaskara, nakasuot ng ballcap at itim na jacket.

Bigla na lang umanong tinapatan ng mga suspek ang biktima at agad na pinagbabaril.

Hindi pa nasiyahan, bumaba pa ng motorsiklo ang back rider at malapitang binaril sa mukha ang biktima.

Narekober ng SOCO team sa crime scene ang limang basyo ng bala ng ‘di-pa batid na kalibre ng baril.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at kung sinu-sino ang mga taong may kagagawan nito.

Show comments