MANILA, Philippines — Babawasan ng Light Rail Transit Authority ang oras ng biyahe ng mga tren sa bisperas ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa anunsyo ng LRTA, hanggang alas-8 lamang ng gabi ang huling biyahe sa Dec. 24, araw ng Huwebes at December 31.
Ito ay upang bigyang daan din na makauwi ng maaga ang mga empleyado ng LRTA para makasama ang kanilang pamilya sa Noche Buena at Media Noche.
Ngunit sa December 25, araw ng Pasko at January 1, unang araw ng 2021, regular ang magiging biyahe ng LRT-1.
Bukod dito, regular din ang biyahe ng December 30, regular holiday ang araw ng kapanganakan ng bayaning si Jose Rizal.