MANILA, Philippines — Makakatanggap ng pamaskong groceries at wellness kits ang nasa 2,536 medical frontliners ng Ma-kati Health Department, Ospital ng Makati, at Inci-dent Command Post (ICP).
Laman ng bawat wellness kit ang grocery items, isang juice box na may kasamang reusable tumbler, isang dosenang donuts at food voucher na nagkakahalaga ng 500 pesos.
Sinabi ni Makati Mayor Abby Binay, ito ay isang paraan upang maipadama ng lungsod ang pagpupu-gay at taos-pusong pasasa-lamat sa lahat ng sakripisyo at kontribusyon ng medical frontliners sa epektibong pagtugon nito sa mga hamon ng pandemya.
Titiyakin naman na magiging ligtas at susundin ang health protocol sa pamamahagi ng wellness kits sa mga nasabing tanggapan ng mga medical frontliners.
Bukod sa pagbibigay ng sapat na personal protect equipment (PPE), ha-zard pay, libreng shuttle services, bitamina, flu at pneumonia vaccine, at libreng mass testing para sa mga essential workers, inaprubahan din ng lungsod ang pagpapataas ng sahod ng mga nurses at pagkuha ng karagdagang medical workers sa Makati.
Samantala, upang tuluy-tuloy naman ang pagbibigay serbisyo sa Makatizens, bibigyan naman ng emergency kits o “Go Bag” ang nasa 8,000 mga regular at contractual employee ng Makati City go-vernment.
Sinisiguro ni Mayor Abby na handa laban sa sakuna ang mga frontliner at kawani ng lungsod lalo na sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng emergency kit for employees. Ang bawat kit ay naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa isang tao sa loob ng 72-oras matapos ang sakuna.