P6.5 milyong puslit na yosi nasabat ng BOC
MANILA, Philippines — Aabot sa P6.5 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) nang salakayin ang isang warehouse sa Barangay Tugatog sa Malabon City.
Batay sa Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni Commissioner Rey Leonardo B Guerrero, pinasok ng BOC Enforcement and Security Service Quick Reaction Team (ESS-QRT), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at mga opisyal ng barangay ang bodega na pinaniniwalaang bagsakan ng kontrabando.
Nasa 196 master cases ng mga itinuturing na “illicit cigarettes” na may iba’t ibang tatak na sigarilyo ang nakuha ng mga awtoridad.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad upang malaman kung sino ang may ari ng mga produkto at warehouse.
Papanagutin ang mga ito sa paglabag sa Section 1400 ng R.A. 10863 o mas kilala na Customs Modernization and Tariff Act gayundin sa mga probisyon ng R.A. 8424 o ang National Internal Revenue Code of the Philippines dahil sa kawalan at pamemeke ng tax stamp.
- Latest