Aktor na si Matt Evans, inaresto

MANILA, Philippines — Arestado ang aktor na si Matt Evans  o Matthew Evans Nicolas,  matapos silbihan ng warrant of arrest kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” na may kinalaman sa kasong isinampa ng kanyang dating live-in partner na si Johnelline Hickins.

Sa ulat ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS), dakong alas -11:30 umaga nitong Biyernes (Hulyo 31) nang arestuhin ang aktor sa kanyang bahay sa Lacson Avenue, sa Sampaloc, Maynila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasig Regional Trial Court (RTC) , Branch 12, Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan (case no.  RPSG 20-00830 CR)  sa paglabag sa RA 9262 na may inirekomendang piyansa na P36,000.00.

Nasa kustodiya ng WSS si Evans habang hindi pa nakakapaglagak ng piyansa.

Si Evans na kasal sa negosyanteng si Riza  Katrina Evans,  ay nagsimulang makilala  sa TV reality show na Pinoy Big Brother at naging aktor at naging bida sa teleserye na “Da Adventures of Pedro Penduko”, “Tanging Yaman”, at  “Rosalka”.

Show comments