^

Metro

City of Malabon University pinaiimbestigahan ni Oreta

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
City of Malabon University pinaiimbestigahan ni Oreta
Ayon kay Malabon City Mayor Antolin Oreta , ma­rami na siyang natatanggap na report hinggil sa umano’y mga kalokohan at anomalya sa CMU na kinasasangkutan ng mga CMU officials.
Len len Oreta FB Page

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Malabon City Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III  ang isyu ng tampe­ring sa enrollment ng mga estudyante at ilan pang anomalya  sa City of Malabon University (CMU).

Ayon kay Oreta, ma­rami na siyang natatanggap na  report hinggil sa  umano’y mga kalokohan at anomalya sa CMU na kinasasangkutan ng mga CMU officials.

Aniya, ngayong nalalapit na ang pasukan posible umanong pinagkakakitaan ng ilan ang enrollment at nawawala ang mga karapat-dapat na makapasok sa CMU.

Sa kanyang direktiba, inatasan ni Oreta ang City Legal Office na magsagawa ng imbestigasyon upang malaman ang katotohanan sa likod ng mga negatibong report.

Hindi naman niya kukunsintihin  at irerekomenda niya ang pagsasampa ng kaso sakaling mapapatunayan ang tiwaling gawain ng mga CMU officials.

Nabatid na unang nakarating sa kaalaman ni Oreta ang hinggil sa extortion activities na pinangungunahan ng ilang CMU official na ang mga biktima’y mga school supplier at estudyante.

Napag-alaman din ni Oreta na may mga school supply at  equipment ang nawawala dahil sa hindi maipaliwanag  na  nakawan sa loob ng eskuwelahan.

Dagdag pa ni Oreta, ginagawa ng city government ang lahat upang mabigyan ng kalidad na serbisyo at edukasyon ang mga estudyante kaya walang puwang sa gobyerno ang mga mapagsamantala.

ORETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with