2 miyembro ng ‘Jocson robbery group’, timbog

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng no­toryus na ‘Jocson Robbery Gang’ ang nasakote ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isang buy-bust operation, kahapon ng mada-ling araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Rodrigo Loveria, 21, at 17-anyos na si alyas Jun.

Sa ulat ng MPD-Station 7, alas-12:15 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon sa may kanto ng Rizal Ave. at Bulacan St., Tondo.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruity tops, isang sachet ng marijuana at apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 2,000.

Bukod sa pagtutulak ng ilegal na droga, sangkot din ang mga suspek sa mga insidente ng panghoholdap at pagnanakaw sa Tondo.

Show comments