^

Metro

4 timbog sa P6.8 milyong shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na drug suspect ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mahulihan ng may P6.8 milyong halaga ng shabu sa isang buy- bust operation sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City kamakalawa.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Brig. Gen Ronnie Montejo ang mga naarestong suspek na sina Aiden Gray Ombar, alyas Lalate, 19; Alinor Logum, alyas Akie, 22, kapwa ng Caloocan City, Jabber Pangandamun, 32,  at Jala­lodin Jamal, 21.

Ayon kay Montejo, ang mga suspek ay naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Novaliches Police Station (PS 4)  dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa, sa Quirino Highway, Brgy. Pasong Putik.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng P300,000, halaga ng shabu mula sa mga suspek, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

Nakumpiska rin mula sa kanila ang tinatayang may isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6, 800,000, dalawang cellular phones at isang Honda Civic.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RONNIE MONTEJO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with