‘Piston 6’ posibleng makalaya ngayon
MANILA, Philippines — Posibleng makalaya na ngayon ang anim na jeepney drivers na tinaguriang “Piston 6” na inaresto dahil sa umano’y paglabag sa quarantine protocols nang mamalimos at magsagawa ng protesta noong nakaraang Martes sa Caloocan City.
Ito’y matapos na mag-alok ng tulong pinansiyal si Caloocan City (District 2) Rep. Edgar “Egay” Erice upang makapagpiyansa na sina Severino Ramos, 59; Wilson Ramilia, 43; Ramon Paloma, 48; Ruben Baylon, 59; Arsenio Ymas Jr, 56; at Elmer Cordero, 72, na pawang mga miyembro ng transport group na Piston na nagkilos-protesta para sa “Bumusina Para Sa Balik Pasada”.
Nabatid na personal na binisita ni Erice sa kulungan ang anim na jeepney drivers at nangako na magbibigay ng P3,000 bawat isa na pampiyansa. Sabado pa sana pipiyansahan ang anim subalit sarado ang korte.
Kinasuhan ng paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code o a crime of resistance and disobedience to a person in authority and city ordinances specifically offenses for mass gatherings or non-essential work gatherings and Stay-at-Home policy.”
Martes ng umaga nang magtipun-tipon ang mahigit 20 jeepney drivers sa EDSA Monumento, Caloocan para humingi ng tulong sa dumaraang mga motorista at pedestrian para sa kanilang mga pamilya na nagugutom sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Related video:
- Latest