House-to-house swabbing, ipinatupad sa Quezon City
MANILA, Philippines — Nagsagawa ang Quezon City government ng house-to-house swabbing sa layuning malimitahan ang pagta-travel ng mga pinaghihinalaang COVID-19 patients.
Ayon sa ulat, nagsimula na ang city’s Epidemiology Surveillance Unit (ESU) ng home-based collection ng swabs sa mga selected cases, partikular sa mga nagkaroon ng close contact sa mga kumpirmadong COVID-19 patients.
Kabilang rin dito ang sumailalim na sa confirmatory tests at re-swabs, ayon kay Joseph Juico, assistant secretary to the Mayor na siyang ring testing program coordinator.
Sa kasalukuyan, ayon sa ESU nakakoleta na sila ng swabs sa may 84 katao sa ganitong pamamaraan.
Ipapadala ito sa laboratories sa RITM at Lung Center of the Phils. para sa PCR testing at ang resulta ay inaasahang lalabas sa loob ng wdalawa hanggang tatlong araw.
Ang house-to-house swabbing ay bahagi ng mga isinasagawang pamamaraan ng Quezon City para mapalawak ang pag-test sa mga residente.
Nitong linggong ito, nagbukas na rin ang testing center sa Quezon Memorial Circle.
Sa loob lamang ng tatlong araw, nasa 180 katao na ang sumailalim sa swab test sa naturang testing center.
- Latest