Parak na namalo sa lumabag sa quarantine , iimbestigahan
MANILA, Philippines — Hindi umano kukunsintihin ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang mga tauhan na nakunan ng video na namamalo ng ilang residente sa Quiapo, Maynila.
Sinabi ni MPD Director PBGen Rolando Miranda nakarating na sa kaniya ang insidente at kaniyang iniutos na ang imbestigasyon dito.
“The leadership of Manila Police District will neither tolerate nor condone any wrongdoing of any of our Policemen while strictly implementing the Enhanced Community Quarantine,” ani Miranda.
Sa video na kuha ng isang residenteng tumangging magpapangalan, makikita ang mga pulis ng MPD Station 3 sa Quiapo na pinagagalitan ang mga residente.
Maririnig pa umano ang pulis na nagmumura, namamalo at sinabing babarilin ang kung sino man ang lalabas sa kalsada. Isang residente na nagpakita ng quarantine pass ang hindi rin pinayagan na lumabas at pinagalitan.
Sa kabila nito, nanawagan si Miranda sa mga Manileño na makiisa sa panawagan na manatili sa loob ng bahay para malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease.
“The leadership of MPD would like also to appeal to each and everyone to fully cooperate, by obeying the rules and to please be part of the solution to the serious problem the country is facing due to the spread of COVID 19,” dagdag ni Miranda.
- Latest