Bigtime rollback sapetrolyo, ipapatupad

MANILA, Philippines — Mas malaking rollback ang ibibigay ng Petron sa dara­ting na Martes bunsod nang tuluyang galawan sa presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

 Epektibo alas-6:00 ng umaga sa Marso 17, 2020 ay ipatutupad ang bigtime rollback na P4.00 sa kada litro ng gasolina; P4.00 sa bawat litro ng diesel at P4.50 sa kada litro ng kerosene.

 Una nang nagpatupad ng rollback noong nakalipas na Biyernes ang  Phoenix Petroleum Philippines sa gasolina, diesel  na P3.00 kada litro.

 Ito ang kauna-unahang super bigtime rollback na ipinatupad ng mga kompanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong 2020.

 Inaasahan din na magsusunuran sa pagbibigay ng rollback ang iba pang kompanya ng langis.

Show comments