Trip sa labas ng bansa, iwasan muna – BI
MANILA, Philippines — Habang hindi pa natatapos ang problema sa 2019 coronavirus (COVID-19), pinayuhan ng Bureau of Immigration ang publiko na iwasan muna ang pagbiyahe lalo na sa labas ng bansa.
Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval, mas makabubuti kung ipagpapaliban na lang muna ang mga “non essential travels” hangga’t hindi pa natatapos ang problema sa COVID-19 sa Pilipinas at sa iba pang parte ng mundo.
Tiniyak ng opisyal na nakaantabay ang BI sa mga anunsyo mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATFEID) hinggil sa travel restrictions.
“Sa ngayon po ang payo ng Bureau, kung non-essential ang travel, it might be best na ipagpaliban na lang muna ito hanggang sa masolusyunan ang problema natin sa Covid-19,” pahayag ni Sandoval. Nananatili pa rin ang travel ban sa China habang partial ban naman sa Hong Kong, Macau at North Gyeongsang Province sa South Korea.
- Latest