Mabilis na pagresponde ng BFP, PNP sa sunog sa Pandacan, pinuri

Ipinahayag ng SMC na nagalak ito na walang naitalang casualties ang sunog na umabo sa kanilang packaging plant at sumira sa 300 metrong bahagi ng Skyway project.
Manila Public Information Office

MANILA, Philippines — Pinuri ng pamunuan ng San Miguel Corporation (SMC) ang awtoridad partikular ang Bureau of Fire Protection at Philippine National Police sa kabayanihang ipinamalas sa pagresponde at pag-apula ng apoy na lumamon sa bodega nito na nagpaguho sa Skyway Stage 3 project sa Pandacan, Maynila kamakalawa.

Ipinahayag ng SMC na nagalak ito na walang naitalang casualties ang sunog na umabo sa kanilang packaging plant at sumira sa 300 metrong bahagi ng Skyway project.

Ito ay dahil sa humigit kumulang na 50 firetrucks ang rumes­ponde sa insidente mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Bagamat nalulungkot ang SMC sa kinahinatnan ng proyekto ay inihayag nitong handa silang makipag tulungan sa imbestigasyon at maghatid ng kaukulang tulong upang muling maipagpatuloy ang naantalang paggawa sa Skyway 3.

Ganap na naapula ng awtoridad ang apoy dakong alas 1:30 pm kahapon.

Show comments