^

Metro

P17 milyong tulong ng Makati sa sinalanta ng bagyong ‘Tisoy’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpalabas ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng P17 milyong pondo bilang tulong pinansyal sa mga ‘sister LGUs (local government units)’ sa siyam na lalawigan na nasalanta ng Bagyong Tisoy nitong nakaraang Disyembre 2019.

Sinabi ni Mayor Abby Binay na nailabas ang pondo nang ipasa ng Sangguniang Panglungsod ang City Ordinance No. 2020-023 base sa rekomendasyon naman ng Makati Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

“Nagagalak kami na maibahagi ang porsyon ng aming disaster funds sa mga lokalidad na matinding hinagupit ng Bagyong Tisoy.  Ang tulong pinansyal na ito mula sa Makati ay bilang suporta sa mga aksyon ng lokal na pamahalaan para makarekober sa kalamidad at muling maitayo ang mga komunidad,” ani Binay.

Nasa P7,250,000 ang ibibigay sa mga lalawigan ng Quezon, Albay, Camarines Sur, Masbate, Sorsogon at Northern Samar na may 20,000 pamilya na naapektuhan ng bagyo.

Tig-P500,000 naman ang ibibigay sa mga lalawigan ng Oriental Mindoro at Catanduanes na may 5,000 apektadong pamilya habang P250,000 sa Occidental Mindoro na may 4,296 pamilyang nasalanta.

Naglaaan rin ang Makati ng P9,750,000 sa isang sister city at munisipalidad.  Kabilang dito ang Daraga, Tabaco at Malinao sa Albay; Pilar sa Sorsogon; Aroroy sa Masbate; Bato sa Camarines Sur; Allen, Bobon, San Roque at Laveras sa Northern Samar.

Nagpadala rin ang Makati ng P1,250,000 tulong pinansyal sa mga munisipalidad ng Hagonoy at Padada sa Davao del Sur na bumabangon pa rin nang tamaan ng lindol.

TISOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with