MANILA, Philippines — Gumaganda na ang kalidad ng hangin sa Metro Manila makaraang maapektuhan ng matinding ashfall mula sa pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) batay sa latest data, ang level of Particulate Matter 10 (PM 10) o kilala sa tawag na alikabok ay pawang good ang resulta sa mga lokalidad sa Kalakhang Maynila.
Sa air quality monitoring ng DENR sa ibang lugar sa Metro Manila, lumabas sa data na sa San Juan ay 46: good, Makati City 35:good, Mandaluyong City-34: good, Pateros-22: good, Malabon City 22:good, Las Piñas 14:good, Parañaque City - 6:good at Pasig City-6: good.
Lumabas naman ang level of Particulate Matter 10 (PM 10) sa Taguig City ay nananatiling 89 na kinokonse-derang “moderate o fair.”
Ayon sa DENR , mas maganda ang resulta ng kalidad ng hangin sa nabanggit na lokalidad kung ikukumpara noong Lunes ng gabi.
Inihalimbawa rito ng DENR na noong Lunes ng gabi, ang Malabon City ay nagtala ng PM 10 record na 53 ng Malabon City.
Batay sa air quality index na gamit ng DENR ang pagkakaroon ng “good” record ng kalidad ng hangin ay nangangahulugan na ang polusyon sa hangin ay may maliit hanggang sa walang ganoong epekto, ang “mode-rate o fair” rating naman ay may katamtamang health risk para sa maliit na grupo ng mga tao na dati ng sensitive sa hangin na may polusyon.
Samantalang ang air quality na umabot sa 301 hanggang 500 ay isinasalarawang “hazardous” at ang mga tao ay pinapayuhang manatili na lamang sa kanilang tahanan.
Noong nagdaang araw ng linggo nang pumutok ang Taal Volcano, umabot ang ashfall sa MMLA dala ng hangin na nagdulot ng pagsuspinde ng klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan.