^

Metro

74-anyos na lolo nag-amok: 1 patay,1 pa kritikal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
74-anyos na lolo nag-amok: 1 patay,1 pa kritikal
Kinilala ang nasawi na si Romulo Aruta, 58, construction worker at residente ng Block 7, Lot 2, Chesa St., Tondo.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang isang 58-anyos na biyudo nang pagsasaksakin ng isang nag-amok na lolo, habang sugatan din ang isang babaeng vendor  sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Romulo Aruta, 58, construction worker at residente ng Block 7, Lot 2, Chesa St., Tondo.

Sugatan naman ang isang Nanette San Pablo, 47, ng Sta. Fe St., Tondo.Nakilala naman ang suspect na si Ramon Casela na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa nang maganap ang krimen sa panulukan ng Camias at Sta. Fe Sts., sa Tondo.

Sa imbestigasyon, nakaupo lamang ang biktima sa naturang lugar nang  biglang  lapitan ng suspek at saka pinagsasaksak. Nang humandusay sa lapag ang biktima ay nakita naman ng suspek ang babaeng vendor na sinaksak din at saka tumakas.

Ayon sa testigo, bago ang pananaksak, narinig niya na nagsasalita pa ang suspek na “Ngayong araw na ito ay papatay ako, babae man o lalaki”.

Ayon sa imbestigador, hindi naman magkakakilala ang suspek at biktima at posibleng naburyong lang ang matandang suspek kaya nagawang manaksak.

vuukle comment

AMOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with