^

Metro

Quezon City Hall, bukas tuwing Sabado para sa kukuha ng occupational permit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula ngayong Sabado, (November 23) ay bukas ang QC hall-Business Permit and Licensing Division para sa mga QC workers na kukuha ng occupational permit na isang rekisitos sa kanilang trabaho.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, magi­ging bukas na kahit araw ng Sabado ang BPLD upang asistihan ang mga  manggagawa na kukuha ng naturang permit . 

“This way, local residents wont have to file a leave just to obtain their occupational permits du­ring weekdays, malaking ginhawa nito dahil maaari nilang gamitin ang libreng oras tuwing Sabado para makakuha nito” pahayag ni Mayor Belmonte.

Ayon kay BPLD head Margie Santos, ang serbisyo ay available mula alas-8 ng umaga hangang alas-5 ng hapon tuwing sabado.

Sinabi ni Santos na kailangan lamang na magdala ang mga aplikante ng complete requirements tulad ng kanilang laboratory results  mula sa accredited testing center para sa issuance ng health permit/card, lates NBI o police clearance.

Anya, kailangang dalhin ng mga aplikante ang naturang mga requirements upang maisyuhan ng permit. Mayroon din anyang HIV awareness seminars na ginagawa rito.

Dagdag na requirement naman anya ang residence certificate, yellow card para sa mga entertainers/therapist, wai­vers para sa PRC holders, Parent consent para sa minors at Alien Employment permit para sa mga dayuhan.

QUEZON CITY HALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with