^

Metro

Tensyon sa demolisyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Tensyon sa demolisyon
Nagkalat ang mga basag na bote at tipak ng mga bato sa may Barcelona corner Lavesarez Sts., sa Binondo sa naudlot na demolisyon kahapon.
Kuha ni Russel Palma

Demolition team sinalubong ng bote at bato

MANILA,Philippines — Naudlot ang sinimulang demolisyon sa pribadong lote na tinayuan ng mga kabahayan nang atakehin ng mga bote ang demolition team sa Barcelona St. sa panulukan ng Lavesarez St., sa Binondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Alas-2:00 ng hapon nang tunguhin ng nasa 100 miyembro ng demolition team ang lugar na kinatatayuan ng kabahayan upang paalisin ang mga residente at gibain ang mga istruktura subalit bago pa makalapit ay pinaulanan sila ng mga bote at bato.

Hindi kinilala ng mga residente ang bitbit na demolition order sa lupang pag-aari umano ng isang Dolores Relinggo.

Bukod sa pambabato ng mga bote at bato ay lalo pang nagpatindi sa tensiyon ang paghagis ng molotov bomb sa direksiyon ng demolition team at mga tauhan ng Manila Police District (MPD).

Bunga nito, hindi na itinuloy ang demolisyon.

Ilan sa tauhan ng demolition team ang nasugatan dahil sa dami ng bubog sa kalye na nagmula sa mga nabasag  na bote.

Nilinaw naman ng Manila City Engineering office na hindi naman nila saklaw ang demolisyon sa nasabing pribadong lupain.

Inaasahang magkakaroon muna ng pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng barangay na nakasasakop sa lugar at sa may-ari na si Relinggo.

DEMOLISYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with