^

Metro

LRT-1 at LRT-2 magkasunod na nagka-aberya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-1 at LRT-2 magkasunod na nagka-aberya
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang engineering department ng LRT 2 at Bureau of Fire Protection sa pagsiklab ng apoy sa railings ng LRT 2 sa Katipunan Station.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines – Dumanas ng magkasunod na aberya ang Light Rail Transit Line 1 at Line 2 (LRT-1 at LRT-2) kahapon ng umaga sanhi upang maglimita ng biyahe ang LRT-1 at magsuspinde naman ng biyahe ang LRT-2. 

Nabatid mula sa Light Rail Transit Authority na dakong alas-7:09 ng umaga nagpatupad ng limitadong biyahe ang LRT-1 mula Monumento hanggang Baclaran Stations lamang at pabalik, dahil sa nararanasan mechanical problem sa Roosevelt Station.

Samantala, pansamantala namang nagsuspinde ng kanilang operasyon ang LRT-2 dahil sa apoy na namataan sa carriageway nito sa area ng Quezon City.

Ayon sa LRTA, dakong alas-11:24 ng umaga nang pansamantala nilang suspindihin ang kanilang biyahe nang may makitang apoy sa carriageway nito sa pagitan ng Anonas at Katipunan Station.

Sinasabing nagmula ang sunog sa pag-trip off ng Rectifier Substation (RSS) 5 sa Katipunan Station.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang LRT-2 at inaksiyunan ang problema at inapula ang apoy ngunit iniimbestigahan pa umano nila ang pinagmulan nito.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin nababalik sa normal ang biyahe ng LRT-2, ngunit tiniyak nilang ginagawa ang lahat upang maayos ang naging problema.

Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula sa Roosevelt, Quezon City hanggang Baclaran, Para­ñaque City at vice versa.

Ang LRT-2 naman ay bumibiyahe  sa Claro M. Recto Avenue, Maynila patungo ng Santolan sa Pasig City at vice versa.

ABERYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with