Galamay ng ‘drug queen’ timbog sa buy-bust

MANILA, Philippines — Timbog ang isang ‘tulak’ ng droga na sinasabing kasabwat ng tinaguriang ‘drug queen’ na si Guia Gomez-Castro sa isinagawang buy-bust operation ng Manila Police District-Station 4.

Kahapon ay iniharap sa mga mamamahayag ni Manila Mayor Isko Moreno at ng mga opisyal ng Manila Police District ang naarestong si Marlon Dela Cruz.

Nakumpiskahan ito ng walong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng tatlumpung libo sa isinagawang ope­rasyon ng Station Drug Enforcement Team sa Algeciras St., sa Brgy. 484, Zone 43, Sampaloc, Maynila noong Setyem­bre 28.

Nahaharap siya sa reklamong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments