10,000 workers kakailanganin sa Makati subway project
MANILA, Philippines — Inaasahang nasa 10,000 Pinoy workers ang mabibigyan ng trabaho sa P178-bilyong Makati Subway Project na nakatakdang lumarga ngayong darating na Disyembre.
“Expected jobs will be around 10,000, and we’re not just talking about construction wise but down the line. So, part of my campaign promise is to ask the company that will run the subway station that they hire our PWDs and senior citizens who are able-bodied,” ayon kay Makati Mayor Abby Binay makaraan ang pagpirma niya sa ‘joint venture agreement’ sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Makati at ng Philippine Infradev Holdings Incorporated.
Nagkakahalaga ang proyekto ng US3.5-Bilyon (P178-bilyon) na tinawag na Makati Intra-City Subway na magkakaroon ng 10 istasyon sa 10 kilometrong ruta at inaasahang matatapos sa taong 2025.
Idinagdag ng alkalde na bibigyang prayo-ridad rin niya ang pagbibigay ng trabaho sa mga kuwalipikadong “persons-with-disabi-lities (PWDs) at senior citizens na kaya pa namang magtrabaho.
Habang kukuha naman sila ng mga consultant buhat sa China at technical personnel para mag-operatae ng tunnel boring machine na nakatakdang dumating sa bansa sa Disyembre.
Sinabi ni Antonio Tiu, president ng Infradev na manggagaling ang boring machine sa China na siyang magiging pangunahing teknolohiya sa paggawa ng subway upang matapos ito sa oras.
Unang inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Makati ang ‘public-private partnership (PPP)” nitong Hulyo 19 para sa konstruksyon, operasyon at pamamahala sa intra-city subway.
- Latest