^

Metro

Bitay ang sagot sa problema sa droga sa bansa - PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang pagbabalik ng parusang bitay ang siyang sagot para malutas ang problema ng droga sa bansa.

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, ‘full support’ sila sa muling pagbabalik ng death penalty sa bansa  upang matakot at tumigil ang mga taong nasa likod ng pagbebenta ng bawal na gamot.

“Foreign and local drug offenders, especially drug protectors and coddlers who were found guilty of manufacturing, trafficking, and pushing of dangerous drugs, warrant the capital punishment,” sabi ni Dir. Aquino.

Maging sa mga naka­gawa ng ‘heinous crimes’ tulad ng rape ay nais din ni Aquino na patawan ng parusang kamatayan.

Sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ay inihayag nito na nais niyang maibalik ang parusang bitay sa mga nakagawa ng heinous crimes dahil sa illegal drugs at plunder.

Ani Aquino, ang problema sa droga at corruption ay hindi mawawala kung hindi naibalik ang death penalty.

 

BITAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with