^

Metro

Metro Manila makakaranas uli ng Rotational water interruption

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila makakaranas uli  ng Rotational water interruption
Ito ay inanunsyo ng Manila Water na nagsabing kahit may nararanasan ng pag-ulan ay hindi naman nakakarating sa Angat Water shed kayat hindi pa rin tumataas ang water level sa dam.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Patuloy na magkakaroon ng rotational water interruption sa Metro Manila dulot ng pananatili sa critical level ng tubig sa Angat Dam .

Ito ay inanunsyo ng Manila Water na nagsabing  kahit may nararanasan ng pag-ulan  ay hindi naman nakakarating sa Angat Water shed kayat hindi pa rin tumataas ang water level sa dam.

Kahapon ng alas- 6 ng umaga, pumalo sa 158.74 meters ang water level sa Angat dam na mas mababa sa critical level na 160 meters o sobrang layo sa normal operating level na 180 meters.

Ayon kay Kristine Jessah Guevarra , Manila Water’s business operations support head na tuloy ang pagpapatupad nila ng rotational water interruption upang ang lahat ng water consumers ay madaluyan ng tubig sa kabila ng kakapusan sa suplay.

Anya ang kompanya ay may deficit na 350 hanggang 400 million liters per day na resulta ng pinababang suplay na itinakda ng National Water Resources Board.

Malaki naman anya ang tulong ng deep wells at ng kanilang Cardona plant para magbigay ng dagdag na 200 mld sa mga consumers.

Mula kahapon, nagpatupad na rin ang Maynilad Water ng bagong rotational service interruptions sa lahat ng consumers ng kompanya kayat hinihikayat ang mga consumers nito na mag ipon ng tubig upang may magamit sa panahon na walang suplay.

ANGAT DAM

WATER INTERRUPTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with