235 kilo ng botcha nasabat sa Maynila
MANILA, Philippines — Umaabot sa 235 kilo ng botchang baboy at manok ang nasabat ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) sa Ilaya, Recto.
Ayon kay Nick Santos, hepe ng VIB, dakong ala 1- ng madaling araw nang makumpiska nila ang mga botchang baboy at manok na nakatago pa sa ilalim ng mesa.
Wala namang naaresto at walang umaamin kung kanino ang nasabing mga botcha.
Lumilitaw na ginagamitan ng reflector na kulay pula at ilaw ang mga baboy upang gumanda ang kulay sa mga namimili.
Walang certificate mula sa meat inspectors ang mga nakuhang botcha.
Hindi na rin maaaring ipakain sa mga hayop ang mga botchang manok at baboy dahil puro amag na ito.
Tiniyak ni Santos na magsasagawa sila ng inspeksiyon sa iba’t ibang palengke upang masiguro na walang botcha na maititinda at mabibili ng mga mamimili.
- Latest