Menor-de- edad tiklo sa karnap ng motor

MANILA, Philippines — Isa na namang menor-de-edad na kabataan ang inaresto ng mga pulis makaraang tangayin ang motorsiklo ng isang Filipino-Chinese na ipinarada lamang saglit sa tapat ng isang fastfood restaurant sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Ipinasa muna ang kustodiya sa City Social Welfare and Development sa binatilyo na itinago sa alyas na “Ricky,” 17-anyos, habang nabawi naman ang Wave type motorcycle na pag-aari ni Anthony Chua, 38, manager, at nakatira sa Macapagal Street, San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente sa tapat ng isang fastfood restaurant sa kanto ng Samson Road at Heroes Del, Sangandaan dakong ala-1:00 ng madaling araw.  Ipinarada ng biktima ang motorsiklo at iniwan para kumain.

Nang balikan ito sa parking lot, nawawala na ang motorsiklo kaya agad siyang humingi ng saklolo sa Caloocan City Police na ilang metro lang ang layo sa lugar.

Show comments