^

Metro

Tauhan ng MTPB nagrali

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 100 mi­yembro ng Manila Traffic and Parking  Bureau (MTPB) ang sumugod sa Manila City Hall  para hingin ang kanilang 6 na buwang sahod.

Iniwan ng mga MTPB personnel ang kanilang pwesto dakong alas-10:00 ng umaga at nagmartsa patungong city hall.

Ayon sa mga enforcers, halos patung-patong na ang kanilang mga utang upang magkaroon lamang ng pagkain sa araw-araw. Bukod pa ito sa kanilang pamasahe papunta sa kanilang mga area  upang magmando ng daloy ng trapiko.

Nabatid na mula pa Enero 2019 ay hindi sumasahod ang mga traffic enforcers. Ilan din sa mga departamento umano ay hindi pa nakakakuha ng kanilang mga suweldo. 

Matatandaang ilang ulit ding dinedma  o hindi sinipot ni dating MTPB chief  Dennis Alcoreza ang imbitasyon ng  konseho para sa budget ng kanyang departamento kung saan kabilang na rito ang  sahod ng  mga  enforcers.

Batay naman sa impormasyon na nakuha mula sa Mayor’s Office nasa  Amerika na umano si Alcoreza isang  araw matapos ang  halalan.

Bagamat tiniyak naman ni outgoing Manila Mayor Joseph Estrada sa mga mi­yembro ng MTPB na aayusin niya sa Lunes ang sahod ng mga ito.

Nabatid pa na pinirmahan na kahapon ni Manila Mayor Joseph Estrada ang papeles  para makasuweldo na ang mga nagprotestang personnel.

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with