Paalis na local officials, ‘di pa ligtas sa parusa-DENR
MANILA, Philippines — Hindi pa ligtas sa kaparusahan ang mga local officials na hindi pinalad sa nagdaang halalan na naging pabaya sa pagpapatupad ng mga environmental laws sa nasasakupan.
Ito ang sinabi ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Unit Concerns Benny Antiporda kasabay ng pagbibigay ng cease-and-desist orders (CDOs) sa sampung hotel at restaurant na napatunayang nagiging dahilan upang dumumi ang Bacuit Bay sa El Nido, Palawan.
Ang El Nido ay isa sa mga “tourism hot spots” sa bansa na kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitasyon kasama ng Boracay at Manila Bay.
Ayon kay Antiporda, napakahalaga ang pagtugon ng mga local government units sa pansamantalang pagsuspinde sa mayor’s permit ng mga pasaway na establisyimento kapag ibinigay sa kanila ng DENR ang listahan dahil sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang kontaminasyon ng mga waterways.
Ilan sa mga ipinasasara ng DENR dahil sa paglabag sa environmental laws ang El Nido Sea Shell Resorts and Hotel sa Brgy. Buena Suerte, Doublegem Beach Resort and Hotel, Buko Beach Resort, Panorama Resort (Mangonana Inc.), Four Seasons Seaview Hotel at Stunning Republic Beach Hotel sa Brgy. Corong-corong; Sava Beach Bar/Sava Nest Egg Inc., El Nido Beach Hotel at ang The Nest El Nido Resorts and Spa, Inc. sa Brgy. Masagana.
- Latest