Dry-run sa pag-ban sa provincial bus terminals sa EDSA, suspendido muna
MANILA, Philippines — Dahil sa wala pang guidelines, pansamantalang sinuspindi muna kahapon ng Metropolitan Manila Development (MMDA) ang dry-run para sa pagba-ban sa mga provincial bus terminals sa EDSA.
Ayon ito kay MMDA General Manager Jojo Garcia matapos silang makipagpulong sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).
Nilinaw ni Garcia, ang pansamantalang pagsuspinde ng MMDA sa pag-ban ng provincial bus terminals ay wala aniyang halong politika.
Gayunman, sinabi ni Garcia, sa kabila na pansamantalang suspension, mariin pa ring pinagbabawal sa mga ito na magsakay at magbaba ng mga pasahero sa kahabaan ng EDSA.
Ang naturang polisiya ay bunga ng Metro Manila Council (MMC) Regulation Number 19-002 sa pamamagitan nang pag-revoke at kaselasyon ng business permits sa lahat ng provincial bus terminals sa kahabaan ng EDSA na inaprubahan ng Metro Manila mayors nitong nakaraang Marso ng taong kasalukuyan.
- Latest