MANILA, Philippines — Tiniyak ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na ibababa niya ang umiiral na real property tax computation na ipinatutupad ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ang paniniyak ay ginawa ni Lim sa pagsasabing babalik niya ang tax rate na binabayaran ng tax payers sa ipinatutupad na rate noong 2007 sakaling palarin siya na maging susunod na alkalde ng Maynila.
Nabatid kay Lim na tumaas ng 300% ang buwis na binabayaran ng mga tax payer nang magsimulang manungkulan si Manila Mayor Joseph Estrada.
Nalaman na maraming negosyante sa Binondo, ang, nagreklamo kay Lim dahil sa napakataas na buwis na kanilang binabayaran sa lokal na pamahalaan ng Maynila.
Maging ang ‘womb-to-tomb’ program ay ibabalik ni Lim na ipinatupad noong 1992 kung saan ang serbisyong libre ay ipinagkakaloob simula pa lamang na ang sanggol ay nasa tiyan hanggang pagkamatay ng tao.