Mabilis na pagkalutas sa Crisell Beltran slay, pinuri ni Albayalde

Ito ang ipinahayag kahapon ni PNP chief Director Gen.Oscar Albayalde kasabay sa papuring ibinigay sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at Quezon City Police District (QCPD) sa mabilis na resulta sa imbestigasyon ilang araw lamang matapos ang naganap na krimen.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ang mabilis na pagkalutas sa kasong pagpaslang kay Quezon City barangay captain at congressional candidate Crisell Beltran ay dapat na maging halimbawa sa ibang police units kung paano maayos na naisasagawa ang mga imbestigasyon.

Ito ang ipinahayag kahapon ni PNP chief Director Gen.Oscar Albayalde kasabay sa papuring ibinigay sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at Quezon City Police District (QCPD)  sa mabilis na resulta sa imbestigasyon ilang araw lamang matapos ang naganap na krimen.

Si Beltran na tumatakbong kongresista sa ikalawang distrito ng Quezon City ay inambus at napatay kasama ang kanyang driver noong nakalipas na Miyerkules.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpaslang.

Kabilang sa nadakip ay si Teofilo Formanes, market inspector sa Commonwealth market na siyang main gunman.Ikinanta rin nito ang mga kasabwat na naaresto rin ang magkakapatid na sina Ruel, Orlando at Joppy Juab.

Dalawa pa ang pinaghahanap.

Show comments