MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon sa Quezon City ng iba’t ibang grupo at organisasyon ang Unity Walk na ang layunin ay magkaroon ng peaceful 2019 election.
Ang Unity Walk ay dinaluhan ng nasa 6,000 katao na sinimulan sa Sunken Garden sa Quezon City Hall patu-ngong Quezon Memorial Circle kung saan nagkaroon ng inter-faith prayer rally at peace covenant signing.
Dumalo sa aktibidad ang mga opisyal at tauhan ng Department of Interior ang Local Government (DILG) Commission on Election (Comelec) National Police Commission, (Napolcom) Department of Justice (DOJ), Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), Local Government Units (LGU) at iba pa.
Matapos ang unity walk, nag-alay ng dasal ang mga religious leader, sabay-sabay na nanumpa ang lahat ng mga nagtipun-tipon para sa integrity pledge, o para sa maayos, mapayapa, tapat at kapani-paniwalang halalan at pumirma sa Integrity Pledge.